tanaw.
Alam kong malabo ang mga mata ko nung mga panahong yun dahil sa init at dami ng tao— pero natanaw pa rin kita.
Nakakatawa dahil hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko dahil lagi kitang inaabot ng tingin at inaantay kang lumingon. Nangawit nga leeg ko sa kakahanap sa’yo tuwing nawawala ka sa paningin ko.
Isang beses nagulat ako dahil nasa harap na pala kita. Ewan ko pero parang wala lang sa’yo dahil hindi mo man lang binabaling ang atensyon mo sakin.
Gusto kong isigaw ang pangalan mo nung papalayo ka na ngunit hindi ko maalala kung ano nga bang pangalan mo.
-
arcehesangsam liked this
-
eralviz posted this