iba ‘tong Paskong ‘to
Dumaan ang preparasyon para sa Pasko, ang Pasko, at natapos ito.
Una kong Pasko ‘to na gumastos ako para sa pamilya ko bilang nagtatrabaho na ko, unang Pasko ko ‘to na walang isang espesyal na tao na kasama, unag Paskong wala si Kuya sa bahay, unang Pasko na nasimot ang pera— at iba pang maraming ‘una’.
Nalungkot ako sa mga bagay na hindi ko nakuha, mga plano kong hindi natuloy, mga taong hindi nakasama, at yung pakiramdam ng Pasko na hinahanap ko.
Kung may isang bagay siguro akong natutunan pagkatapos ng lahat, ‘contentment’ siguro ‘to.
Oo, maraming bagay na nawala sa blueprint pero natutunan ko na tanggapin ang lahat nang ito at maging kuntento. Besides, there’s a lot more to be thankful for than to regret a handful of things.
Siguro nga nag-iba na rin yung pagtingin ko sa celebration na ‘to dahil dumami na ang mag expectations ko; sa mga bagay kasi na natutunan ko na, mag bagay na nalalaman ko mula sa mga taong nakapaligid sakin— hindi tulad nung bata pa ko na simpleng laruan at mga kendi lang, kuntento na ko.
Maraming bagay sa buhay na dapat ikasaya kaysa sa ikalungkot, marami pang pagkakataon para gawin ang bagay na gusto mo, marami pang taong darating diyan para sayo, marami ka pang bagong inspirasyon na matutuklasan sa buhay sa mga darating na araw— ilan pa ‘to sa mga narealize ko.
Sana naging masaya ang Pasko mo at naintindihan mo na ang panahong ito ay tungkol sa pagbibigayan at ang pagsasalamat sa Diyos.
Maligayang Pasko! :)
-
clydeoscope02 liked this
-
crackdadawn liked this
-
eralviz posted this