other things

pagtungo

(C) http://www.google.com.ph/imgres?q=train+tunnel&start=322&um=1&hl=tl&biw=1024&bih=647&tbm=isch&tbnid=Rh1zL15WptvMvM:&imgrefurl=http://sandpitdesign.com/train_tunnel_04.html&docid=7oCGujeHlQ_LsM&imgurl=http://sandpitdesign.com/images/train_tunnel_04.jpg&w=640&h=480&ei=42LeTrDkC4uZmQW-8OT2BA&zoom=1&chk=sbg&iact=hc&vpx=724&vpy=283&dur=3148&hovh=194&hovw=259&tx=214&ty=127&sig=105441499594896001199&page=24&tbnh=129&tbnw=203&ndsp=12&ved=1t:429,r:11,s:322

Pagbukas ko ng mata ko nagulat ako dahil nagpapantig ang puso ko sa hingal dahil sa kakatakbo. Meron akong hinahabol na tren. Tila alam ko na pano tumakbo sa riles na ‘to dahil pamilyar na sakin ‘to na parang ilang beses ko na ring nadaanan to; alam ko na kung kailan iaangat ang mga paa ko at kailan tatalon— isa-isa, kabisado ko na.

Nasa isang kuweba ako kung saan patuloy na tumatakbo ang tren na hinahabol ko. Ilaw lang nito sa harap ang nagsisilbing liwanag ko para matukoy kung kailan ako hahakbang sa bawat sadsad ng paa ko sa riles. 

Alam kong pagod na ko. Alam kong patuloy at patuloy lang namang tatakbo ‘to at hindi titigil. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sa tagal ng takbo nito at wala yatang planong tumigil ay patuloy pa rin ang takbo ko para habulin ito— ni hindi ko nga alam bakit ko hinahabol ‘to eh.

Hindi ko na mahabol ang hininga ko; maskikip na sa dibdib at hirap na rin akong habulin ang bawat pasok ng hangin sa katawan ko. Gusto ko nang tumigil pero tila sinasabi ng ilaw nito na tumakbo pa ko dahil sa bandang huli ng kwebang yun eh makikita ko na yung liwanag at habang nasa loob pa kami ay patuloy niya lang iilawan ang daanan ko. Sa kabila ng isip ko’y sinasabi nito na tumigil na lang ako at antayin ang susunod na tren.

Naisip ko bigla: kung titigil naman ako sa pagtakbo kong ‘to at aantayin ang susunod na tren, ako naman yung nasa harap nito at mapipilitan rin naman akong tumakbo para di masagasaan nito. 

Pareho lang. Pero mas pinili ko pa ring manatili sa likod nito habang tumatakbo.

Kailan ako mapapagod tumakbo?