4
Hindi ko alam kung bakit tuwing 4 ng umaga eh bigla kong naiisipang magsulat ng kahit anong bagay na nasa isip ko. kahit ano lang. gusto kong magkwento tungkol sa mga ginitgit kong jeep kanina sa Cubao, mga kapalpakan na bagay kong ginawa, una kong ginaw pagkagising ko, sinong mga nilibre ko, gaano ko kamahal ang trabaho ko, sino yung taong gusto kong pagsabihan ng nararamdaman ko tungkol sa kanya— pero pupusta ko, ayaw mong malaman kung ano ang mga ‘yan kaya hindi ko na lang ikekwento.
Nakatulog ako bigla sa harap ng laptop ko. Badtrip.