other things

4AM Random Blog

Ilang beses ko nang sinubukang magmahal, mahalin, halos mabaliw sa pagmamahal, umasang mamahalin, naniwala sa pagmamahal, kumalimot ng taong dating minamahal, tumigil magmahal at syempre; magsulat tungkol sa pagmamahal.

Universal truth naman na ang isang tao ay, kahit sa isang punto ng buhay niya, ay magmamahal o mamahalin. Hindi naman natin maitatanggi yang bagay na yan. Jusko, nung elementary ba, o sabihin na nating high school, sige, kinilig ka sa crush mo diba? At may something ka na nararamdaman na parang lumulutang ka sa ulap habang dinadala ng mga butterflies sa tyan mo sa kabilang mundo na puno ng sparkle sparkle? I bet, oo.

20 taon na kong nabubuhay at in fact, ilan na rin ang nakihati sa puso ko (sana hindi to nababasa ni mama kasi sinesecret ko sa kanya to) kaya kahit papano, marunong naman na ko pano i-handle ng mabuti ang isang relationship.

Speaking of relationships, let me get this straight ah, ang blog na ‘to ay tungkol sakin talaga sa pagiging mapili ko sa taong susunod kong mamahalin. Andami na actually akong sinubukang mahalin after nung last break-up ko. Andyan si— hindi na pala ko magbabanggit. 

Sinubukan ko naman nang magmahal ulit pagkatapos ng break-up kong yun. Maski aso ko sinubukan ko nang mahalin. Pero, meron talaga akong isang bagay na hinahanap eh. Hindi na ko naghahanap based on physical features yata eh. Meron siguro akong ugaling hinahanap na hindi ko pa rin makita sa mga dine-date ko nun.

Nakakapagod rin ah. Di tulad nung college na after ng isa, ‘okaaay, next!’ haha! napaka-honest ko dito sa blog na to noh? pero seryoso, ganun pala ko ka-agressive nung college. Buti na lang, dahil yuppie na ko ngayon, medyo tamed na ko. LOL

Going back to our REAL topic here, nasa punto ako ngayon ng frustration at depression, weh hindi naman talaga, mild lang siguro. Yung punto na gustong gusto ko na talaga ulit maranasan yung butterflies in my stomach. Pak. Very high school ‘to. Pero alam kong naiintindihan mo tong ineexplain ko dito wag ka nga! Naiinip na ko. Yun ang bottomline. :|

Oh well. Kaya ikaw, kung nababasa mo ‘to, aakyat na ko ng ligaw, please? Oh pwede na ring ligawan mo na lang ako. Sige na game!

  1. eralviz posted this