Thank you, Hey It’s Saberdey
Thank you, Hey It’s Saberdey
Dadalin kita sa isang lugar na tayong dalawa lang; yung lugar na tahimik at walang ibang ingay na maririnig kundi ang mga ngiti natin. Isang gabi na hahawakan ko ang mga kamay mo at sasabihin sayo ang mga pangarap ko— mga bagay na gusto kong gawin simula nung nasa high school pa lang ako, mga bagay na dati’y sa tingin ko hindi ko kayang makamit, mga bagay na napapangiti ako tuwing naiisip ko, mga bagay na parang sa panaginip ko lang magagawa. Sa gabing yon, ipapatong ko ang ulo ko sa balikat mo at pasasalamatan ka dahil dumating ka sa buhay ko. Titignan ko ang mga mata mo at sasabihing nawawala ang mga pangamba ko sa tuwing ikaw ang una kong nakikita sa umaga.
Magda-drive tayo papuntang Norte habang nakikinig sa albums ni John Mayer. Pagmamasdan kitang natutulog habang hinahangin ang buhok mo. Pakikingan ko ang mga hilik mo at isasara ang nakanganga mong bibig. Tatanungin kita kung nagugutom ka na o nauuhaw. Titigil tayo sandali sa highway, uupo sa likod ng sasakyan, pagmasdan ang mga punong inaabot ang langit. Iki-kwento ko sa’yo lahat ng mga masasayang nangyari sa buhay ko— pati na rin yung unang araw na nakita kita.
Marami pa kong gustong gawin; tumalon sa isang tulay at sumigaw nang malakas, tumawid mula sa isang bundok papunta sa kabila, magkape habang pinanonood ang mga ilaw sa buong Maynila, uminom ng malamig na buko shake sa tabi ng dagat habang pinapanood ang paglubog ng araw, matulog sa isang tent sa gitna ng isang gubat, magbangka at mula sa isang isla papunta sa kabila, magbisikleta habang hinahabol ang pagsikat ng araw; pero bago ang lahat, tatanungin muna kita— kung gusto mo ring gawin lahat nang iyan… kasama ko.
Nagddrive ako kahapon sa isang makitid na kalsada— idagdag mo pa ang pagiging madilim nito at kawalan ng tao sa paligid. Dinig na dinig ko ang bawat batong sinasagasaan ng gulong ko at ang pagtama ng hangin sa windshield ko. Natatakot akong tumingin sa likod dahil nga medyo may pagkadilim ang paligid at ako lang ang dumadaan dito.
Nalimutan ko na kung saan ba ko kakaliwa o kakanan dahil matagal na rin nung huli akong dumaan dito at andami nang pinagbago; andami nang mga road signs na dati’y wala naman dun. Nalimutan ko na rin yung mga landmarks ko tulad nung pundidong ilaw na may puting scarf na nakapulupot na tila ginawang dagdag na tali para bumaba ito, yung puno ng niyog na iisa na lang ang sanga at ayaw daw ipaputol dahil may nakatirang dwende daw dun, yung isang lote na may mga barbed wire na nakapalibot para di matayuan ng bukuhan at syempre ang pinakahuli kong landmark para malaman ko kung kakanan na ba ko: yung dati naming bahay kung saan nabuo at naghiwa-hiwalay ang pamilya namin.
Pero alam mo yung pakiramdam na maski marami na namang nagbago sa daan na yun, alam mo pa rin yung lilikuan mo dahil tila may pakiramdam na bumabalik sa tuwing dumadaan ka dun? Yung pakiramdam na nakasanayan mo dati bilang araw-araw mo siyang dinadaanan? Yun yung naramdaman ko— kaya kumabig ako agad pakanan. Maski may pag-aalinlangan pa rin ng konti, itinuloy ko pa rin.
lazy Saturday morning
Reblogged from workisnotajob
Stop resisting - start creating!
“Don’t Wait! Start on your dreams, your impulses, your longings, your special occasions today. Because this is your moment. You aren’t going to be any smarter, more ready, more able or more qualified than you are right now. Don’t wait!”
- Mary Anne Radmacher
Saw the Council again last night! Good times! Feels good to see these great friends every now and then. :)
at Green Coffee, Tomas Morato with the Saberpeeps!